Presumptive Speaker Velasco, handang bigyan ng posisyon sa House leadership si incumbent Speaker Cayetano

300

Bukas si presumptive Speaker at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na bigyan ng posisyon sa liderato ng Kamara si incumbent Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa unang pagkakataon na humarap sa media si Velasco bilang susunod na Speaker, sinabi nitong handa siyang bigyan ng pwesto sa House leadership si Cayetano bilang bahagi ng kanilang “healing process”.


Aniya, depende kay Cayetano kung ano ang gusto nitong posisyon sa Kamara pero kung siya ang tatanungin ay nais niya itong maging isa sa kanyang mga Deputy Speakers.

Samantala, sa usapin naman ng rigodon sa liderato ng Kamara, muling tiniyak ni Velasco na tulad ng kanyang sinabi noong una ay wala silang aalisin maliban lamang sa bagong House Speaker.

Batid naman ni Velasco na hindi magiging madali ang pagiging Speaker lalo pa’t walang balak na umatras o bumaba sa pwesto si Cayetano.

Aniya, sinasabi ni Cayetano na “sham” o peke ang kanilang sesyon pero lahat ng naging hakbang ngayon ay alinsunod sa kanilang House rules.




Nakiusap din si Velasco kay Cayetano na bumaba sa pwesto nang tahimik at mapayapa nang sa gayon ay masimulan na nila bukas ang deliberasyon para sa pambansang pondo.

Dagdag pa ng bagong Speaker, mismong ang mayorya na ng mga kongresista ang kumilos at nanaig kaya ito ang dapat na sundin.

Facebook Comments