Presyo ng bigas, posibleng tumaas ng P4 sa Oktubre – SINAG

442

Nagbabala ang grupo ng mga magsasaka sa posibleng pagtaas ng presyo ng bigas sa Oktubre.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), tinatayang nasa P3 hanggang P4 ang inaasahang idadagdag sa presyo ng bigas sa susunod ng buwan.

Ang hindi naipamahaging cash aid ng Department of Agriculture (DA) sa panahon ng pagtatanim ng magsasaka sa gitna ng pagtaas ng presyo ng input ng sakahan, ang itinuturong dahilan ng SINAG sa pagtaas ng presyo ng bigas.


Paliwanag naman ni DA Usec. Domingo Panganiban, hindi naipamahagi ng Landbank ang P5,000 ayuda sa mga magsasaka dahil sa kulang na requirements.

Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na pabibilisin ng regional offices ng DA ang koordinasyon sa Landbank at mga magsasaka para sa pamamahagi ng ayuda.

Samantala, sinabi rin ni Panganiban na walang malaking epekto sa bansa ang tagtuyot sa China na maaaring magresulta sa pagbaba ng suplay ng bigas sa buong mundo, dahil may mga mekanismo aniya ang pamahalaan para palakasin ang lokal na produksyon ng bigas sa bansa.



Facebook Comments