Presyo ng bigas sa Kamuning Public Market, mas mababa pa sa SRP

Ikinatuwa ng ilang mga mamimili ang pagtalima ng ilang mga nagtitinda ng bigas sa Kamuning Public Market dahil sa mas mababa pa ito sa ipinatutupad na Suggested Retail Price (SRP) ng pamahalaan.

Ayon kay Glenda Sanggalan, mamimili ng bigas, malaking tulong sa kanilang budget ang murang bigas na abot kaya ng kanilang pang-araw-araw na budget.

Mabibili na ng P45 ang pinakababa na presyo ng bigas at P65 naman ang pinakamataas na mabibili sa Kamuning Public Market.


Umaasa ang ilang mga mamimili na magtu-tuloy na ang pagbaba ng ilang mga presyo ng bigas sa naturang palengke upang makaagapay naman anila sa kanilang pang-araw-araw na budget.

Facebook Comments