Umaasa ang ilang konsyumer sa Dagupan City na magkaroon pa Sana ng pagbaba sa presyo sa kada kilo ng bigas na naibebenta sa mga pamilihan.
Bagaman nananatili pa rin ang presyo ng kada kilo ng bigas na ibibenta sa lungsod depende sa klase ay hindi pa rin umano ito mababa para sa ilang mamimili.
Nasa 37 pesos ang pinakamababang presyo ng kada kilo ng bigas o tinatawag na broken rice ang makikitang murang naibebenta sa Malimgas Public Market habang mayroon naman 40 pesos kung saan hindi may kagandahan na rin umano ang klase.
Isa din sa kanilang inaasahan ay kung may maibabagsak na NFA rice dahil mas mura ito para sa mga normal na mamamayang may sapat na budget pamalengke.
Sa ngayon, naghihintay din ang mga rice retailers sa naturang pamilihan kung sakaling magkaroon ng suplay ng NFA rice na maibabagsak sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨