PRESYO NG BULAKLAK DALAWANG LINGGO BAGO ANG VALENTINE’S DAY, ALAMIN

Dalawang linggo bago sumapit ang Valentine’s Day wala pa ring paggalaw ang presyo ng bulaklak sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa ilang tindera, kahit pa pumasok na ang buwan ng Pebrero, hindi pa rin magbabago ang presyuhan sa mga bulaklak hanggat wala pang demand.

Sa ngayon nasa 50 pesos kada piraso ang local roses, nasa 120 pesos kada piraso ang imported roses habang nasa 60 pesos ang kada piraso ng sunflower at 200 pesos para sa bouquet nito.

Bagamat matagal pa ang araw ng mga puso Patok na umano ang red roses.

Asahan na sa ikalawang linggo ng buwan sisipa ang presyo ng bulaklak ayon sa mga tindera. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments