Presyo ng bulaklak sa Dangwa ngayong Undas, nagmura dahil sa matumal na bentahan

77

Matumal ngayon ang bentahan ng bulakak sa Dangwa kasunod ng pansamantalang pagpapasara ng gobyerno sa mga sementeryo ngayong Undas.

Maliban dito, napilitan ding magbaba ng presyo ng bulaklak ang ilang tindera taliwas sa kadalasang pagtaas ng presyo nito kapag may mga malawakang okasyon.


Mula sa dating ₱800, nasa ₱300 na lamang ang presyo ng special arrangement ng bulaklak.

Samantalang sa ₱600 naman naglalaro ang presyo ng mga boquet mula sa dating ₱1,000.

Nakararanas din ng matumal na benta ang mga online flower store dahil sa pandemya at dumaan na bagyo.

Facebook Comments