Presyo ng gasolina at kerosene, bahagyang tataas; presyo naman ng diesel, posibleng matapyasan

54

Bahagyang magtataas ang presyo ng gasolina at kerosene habang posibleng bababa naman ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Sa inilabas na abiso, maglalaro sa P0.05 hanggang P0.15 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang nasa P0.15 hanggang P0.20 kada litro ang kerosene.

Posibleng matapyasan naman hanggang P0.05 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ito na ang ika-3 sunod na linggong may dagdag-presyo sa gasolina at kerosene.

Facebook Comments