Presyo ng gasolina, tataas ulit sa susunod na linggo

Asahan na ang panibagong taas-presyo sa gasolina sa susunod na linggo.

Batay sa resulta ng apat na araw na trading, piso at kinse sentimos ang posibleng taas-presyo sa gasolina.

May karampot namang pagbaba sa presyo ng diesel at kerosene pero maaari pa itong magbago depende sa resulta ng trading nitong Biyernes.


Nito lamang Martes nang magpatupad ang mga oil company ng halos pisong increase sa gasolina at diesel at diyes sentimos na rollback sa kerosene.

Facebook Comments