Hindi na lamang ang mga puso ang magmamahalan ngayong buwan ng Pebrero, dahil maski ilang mga Basic Necessities at Prime Commodities ay magmamahal na rin.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), Maglalabas ito ng panibagong Suggested Retail Price (SRP) matapos maaprubahan ang hiling na taas presyo ng ilang mga manufacturers.
Ilan lamang sa mga produktong may inaasahang paggalaw sa presyo ay ang ilang uri ng sardinas, gatas, tinapay, kape, pati kandila, baterya at iba pa.
Nauna nang inihayag ng ahensya na bunsod umano ito ng pagtaas sa mga raw materials.
Sa kabuuan, nasa animnapu’t-dalawang mga basic goods ang tataas sa presyo habang nasa 72% ang mananatili naman sa presyuhan.
Bago pa ang kasadong taas presyo ng mga ito, patuloy nang dumadaing ang mga Pangasinense sa pagsipa ng presyo sa mga pangunahing pagkain tulad na lamang ng bigas, karne, gulay, maging sa produktong petrolyo.
Hiling ng mga ito ang aksyon mula sa gobyerno upang matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa merkado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨