Presyo ng ilang brand ng sardinas, tumaas

241

Manila, Philippines – Aabot sa P0.50 hanggang P0.75 ang itinaas ng ilang brand ng de latang sardinas sa pamilihan.

Paliwanag ng manufacturing group na canned sardines Association of the Philippines – taong 2012 pa ng sila ay nagtaas sa presyo ng sardinas.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga manufacturer na hindi tataas ng sobra ang mga presyo ng sardinas dahil kung mangyayari ito ay posibleng wala ng bumili nito.


Nagpahayag naman ng pagkabahala ang isang consumer group dahil hindi pa man naipatutupad ang isinusulong ng department of trade and industry na pagpapaubaya ng suggested retail price sa mga manufacturer ay tila ngayon palang ay hindi na makontrol ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments