Tumaas sa ngayon ang presyo ng ilang gulay, ayon sa ilang tindero at tindera sa bahagi ng Downtown, Dagupan City.
Ani ng ilang tindera, naramdaman nila ang madalas na pagbabago sa presyo ng ilan sa per bundle ng gulay na ibinabagsak ng kanilang supplier dahil umano sa klima na nararanasan ngayon.
Kung dati nasa 50 pesos ang ampalaya, ngayon nasa 100 pesos ito kada kilo, sitaw na nasa 120 pesos, okra na nasa 100 pesos habang ang talong nasa 50 pesos, at kamatis nasa 60 pesos na noo’y nasa 20 pesos.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng repolyo na nasa 50 pesos habang ang carrots ay nasa 60 pesos ang kalahati at patatas na nasa 40 pesos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments