Presyo ng ilang karne sa Quinta Market sa Maynila, nananatiling mataas

Alamin ang presyo ng ilang mga karne ngayong umaga sa Quinta Market sa Maynila.

Para sa baboy, nasa P350 hanggang P360 pesos ang kada kilo ng buto-buto at pata; habang P400 ang kada kilo ng kasim, pigue, at porkchop.

Samantala, nasa P420 hanggang P430 ang kada kilo ng liempo at lomo.

Para sa manok, naglalaro sa P200 hanggang P220 ang kada kilo ng whole at choice cuts.

Ayon sa mga nakausap nating mga tindero’t tindera, nananatili pa ring mataas ang presyo ng mga karne partikular ang baboy dahil sa mataas na presyo ng kuha ng mga ito mula sa supplier.

Facebook Comments