Presyo ng imported at lokal na bigas, inaasahang tumaas sa mga susunod na buwan – DA

247

Asahan na rin ang pagtaas ng presyo ng lokal at imported na bigas sa mga suunod na buwan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, krudo at iba pang pangangailangan sa produksyon ng bigas.

Mula kasi sa dating 17 hanggang 19 pesos na production cost sa kada kilo ng bigas ay posibleng sumipa na sa 24 pesos kada kilo.


Dagdag pa rito ang patong sa gastos papunta sa merkado katulad ng trak na maghahatid nito.

Dahil dito, pinangangambahang umkyat sa 46 pesos ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice na nasa 38 pesos sa kasalukuyan.

 

Facebook Comments