Inihayag ng ilang rice retailers sa pamilihan ng Dagupan City na bumaba ang kuha nila sa kada Sako ng imported rice.
Ayon sa ilang rice retailers na nakapanayam ng IFM Dagupan, NASA 70 -100 pesos kada Sako ang ibinaba sa kada Sako nito.
Bagamat mura ito may mga suplay pa rin ng local rice na pinagkukunan ang mga ito sa lalawigan tulad ng Aguilar, Mangatarem at Bugallon na hindi umano nagkakalayo sa presyo.
Sa ngayon, walang nakikitang kakulangan ng suplay sa bigas sa probinsiya dahil ang kanilang stock umano ay galing pa sa anihan noong nakaraang taon na ibinebenta sa murang halaga.
Samantala, walang umanong suplay ng NFA rice ang nagbebenta sa mga pamilihan ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments