Nakitaan na ng bahagyang pagtaas sa presyo ng isda sa Magsaysay Fish Market Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera,Hindi inaalis ang posibilidad na tataas ang presyuhan sa ilang mga fish products lalo na at tataas din ang demand nito sa darating na Mahal na Araw.
Sa ilang nakapanayam na tindera ng IFM News Team, bagamat tataas ang demand ng mga produkto, dedepende pa rin ang presyuhan nito sa suplay.
Sa ngayon, nararanasan daw ang konting suplay ng isda sa merkado.
Umaasa naman ang mga tindera na lalakas kahit papaano ang bentahan ng mga isda pagsapit ng buwan ng Abril.
Ilan sa mga presyo ng isda ngayon:
Yellow Fin-250/kilo
Malaga-320/kilo
Pusit-220/kilo
Galunggong lalaki-260/kilo
Sapatero-150/kilo
Dilis -80/kilo
Tuna-320/kilo
Tahong-90/kilo
Pampano-360/kilo
Pibgka-170/kilo
Tilapia-130/kilo
Bangus-180-190/kilo |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨