Patuloy pang nararanasan ang pagbaba ng presyo ng itlog sa lungsod ng Dagupan.
Sa katunayan, mas bumaba pa ang presyuhan nito hanggang sa kasalukuyan ayon sa ilang mga tindera ng itlog.
Bumaba ng isang daang piso ang kuhaan sa kada kahon nito sa kanilang mga supplier kung saan mula sa P2000, nakukuha umano ito ngayon ng P1900 hanggang P1800.
Sa ngayon, nasa P6 ang pinakamababang presyo sa kada piraso, at depende pa ang ilan sa laki nito.
Nananatiling matatag ang suplay ng produkto hanggang ngayon at hindi pa nakikitaan ng kakulangan nito sa mga susunod na buwan ayon sa ilang tindera ng itlog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments