Bumaba ang presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa ilang tindera ng Itlog na nakapanayam ng IFM News Dagupan, naranasan ang pagbaba sa presyo partikular sa maliliit na mga itlog, bagamat nananatili umano sa presyuhan ang mga malalaking size nito.
Sa kasalukuyan, nasa P6 hanggang P7 ang pinakamurang presyo ng itlog habang naglalaro naman sa P8 hanggang P10 ang iba, depende sa laking bibilhin.
Sa kaugnay na balita, inihayag ng Department of Agriculture (DA) na malaki umano ang posibilidad na magkaroon ng supply shortage sa produkto sa darating na buwan ng Abril.
Sakaling maubusan ng suplay, nakikitang paraan ang pag-aangkat umano ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.
Samantala, sinabi rin ng mga tindera na hindi pa gaanong nararamdaman ang paggalaw sa presyo ng itlog sa merkado at mayroon pa namang suplay nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨