Bumaba ng 20-40 pesos ang kada tray ng Itlog sa ilang pamilihan sa Pangasinan.
Sa pamilihan ng Calasiao, mula sa 230 pesos kada tray ng maliliit na itlog ay bumaba ito sa 210 pesos, mula sa 260 pesos kada tray ng medium ay bumaba rin ito sa 220 pesos habang ang large size na mula sa 270 pesos ay bumaba ito sa 230 pesos.
Ayon sa ilang tindera ng itlog, sapat umano ang suplay na ibinabagsak sa kanila ng kanilang mga supplier kahit pa nauna nang nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring magkaroon ng kakulangan ng suplay ng Itlog sa bansa.
Bagamat bumaba na ito hindi pa rin kontento ang ilang mamimili dahil para sa kanila mataas pa rin ang nasabing presyo.
Ani ng ilang mamimili, kalahating tray na lamang ang binibili dahil hindi na raw pasok sa kanilang budget.
Ayon sa Philippine Egg Board Association, bumaba naman sa four pesos hanggang six pesos ang farmgate price ng Itlog dahil sa mababang demand nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨