PRESYO NG ITLOG SA ILANG PAMILIHAN SA PANGASINAN, TUMAAS

Nagkaroon umano ng bahagyang pagtaas sa presyo ng itlog ayon sa mga negosyante ng Itlog sa ilang pamilihan sa Pangasinan. Sa Malimgas Public Market sa Dagupan City, nasa 7.50 pesos ang pinakamurang mabibiling itlog habang nasa 9 pesos naman ang pinakamataas.

Sa bahagi rin ng Calasiao Public Market, nasa 8 pesos ang pinamababang presyo ng itlog habang nasa 9 pesos rin ang pinakamataas.

Nakikitang dahilan umano ng ilang tindera ay ang init ng panahon na nararanasan kung kaya’t maaaring nasstress umano ang mga manok kung kaya’t kakaunti ang nangingitlog.

Pagbabahagi ng mga ito,paglipas rin umano ng tatlong buwan ay maaaring dito umano maranasan ang mas mababang presyo sa bentahan ng naturang produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments