Bumaba ang presyuhan sa produktong itlog sa ilang pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa bayan ng Calasiao, nasa P4 ang pinakamababang presyuhan sa kada piraso nito habang naglalaro na sa P5 hanggang P9 ang ilan pa, depende sa laki.
Sa Dagupan City, nasa P5 ang pinakamababa, habang mas dagdag na presyo naman sa mga malalaking size ng produkto.
Ayon sa mga tindero at tindera, matatag umano sa ngayon ang produksyon ng itlog dahilan ang pagiging mura nito.
Samantala, wala umanong nakikitang kakulangan sa magiging suplay nito sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments