Inaasahang bababa na sa susunod pang mga araw ang presyo ng kamatis sa merkado.
Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG President Engr. Rosendo So, sasadsad pa ang presyo nito hanggang Pebrero.
Nasa isang daang piso na rin ang farmgate price ng produkto ngayon.
Sa Dagupan City, nasa P80 hanggang P100 ang kuhaan sa kada kilo ng kamatis ngayon.
Ani ilang Dagupeños, bagamat nananatili pa rin itong mahal, bumaba na ito kung ikukumpara sa presyuhan dati na umaabot pa sa P200 ang kada kilo.
Samantala, bumaba na rin ang presyuhan ng ilang mga gulay sa pampublikong pamilihan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments