Wala pa rin pagbabago sa presyo ng kada kilo ng mga karne na ibinebenta sa bahagi ng Malimgas Public Market sa Dagupan City.
Ani ng ilang tindera, nananatili pa rin mula 360 hanggang 400 pesos ang presyuhan sa kada kilo ng karne ng baboy depende sa parte.
Daing rin ng ilang mamimili ang mataas pa rin na presyo ng kada kilo ng mga naturang produkto ngunit lugi rin umano ang mga tindera ng karne kung babawasan pa ang presyo sa kada kilo nito.
Nasa 400 pesos ang kada kilo ngayon ng liempo, porkchop na nasa 370 pesos, at laman na nasa 360 pesos.
Ang karne naman ng manok ay pumapatak pa rin sa 220 pesos ang kada kilo.
Samantala, nasa 450 pesos naman ang kada kilo ngayon ng karne ng baka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments