Nananatili pa ring mataas ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy sa Dagupan City ayon sa ilang tindera. Posible pa umanong tumaas ang presyo nito depende sa presyong inaangkat na karne ng mga ito mula kanilang mga supplier.
Ang iba mababa ang bentahan dahil may sarili umani itong mga katayan ‘di tulad ng iba na kailangan pang kumuha sa ibang lugar upang magkaroon ng suplay.
Nauna nang isinaad ng Pangasinan Provincial Veterinary Office, na mayroong sapat na Suplay ng baboy ang probinsiya base sa kanilang patuloy na monitoring ng mga ipinapasok na livestock at pork.
Sa ngayon, nasa 380 hanggang 390 pesos pa rin ang presyuhan sa kada kilo ng karne ng baboy sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments