Presyo ng langis – bababa sa susunod na linggo

21

Manila, Philippines – Sa halip na dagdag-presyo, rollback sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Habang nasa P0.15 hanggang P0.25 naman ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Sa Martes, inaasahang maglalabas ng pormal na abiso ang mga oil company.

Ang nasabing rollback ay kasunod ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments