Presyo ng langis, inaasahang tataas muli ngayong linggo

Inaasahang tataas muli sa ikawalong pagkakataon ang presyo sa gasolina ngayong linggo.

Batay sa abiso ng Unioil Philippines, tataas ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang diesel habang P0.10 to P0.20 kada litro ang gasolina.

Nitong martes una ng tumaas ang presyo ng langis sa bansa matapos magpataw ang International Energy Agency ng mataas na presyo sa mga malalaking kumpanya ng langis.


Sa ngayon, batay sa abiso ng Department of Energy ay umabot na sa P13.50 kada litro ang itinaas ng gasolina, P10.60 kada litro sa diesel at P9.00 kada litro sa kerosene.

Facebook Comments