PRESYO NG MAHIGIT ISANG DAANG NOCHE BUENA ITEMS, TUMAAS

Labing isang araw bago ang Pasko, nakitaan nang pagtaas ang nasa mahigit isang daang noche buena items ayon sa inilabas na price guide ng Department of Trade and Industry o DTI.

Sa Pangasinan, umpisa nang mamili ang mga consumers ng kanilang panghanda sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, nagkaroon ng pagtaas pagdating sa mga production inputs tulad ng raw materials, maging ang pagkonsidera rin sa transport cost ng mga manufacturers.

Sa kabilang banda, tiniyak ng ilang manufacturers na wala nang magiging paggalaw sa presyo ng mga noche buena products hanggang sa matapos ang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments