Presyo ng manok at isda sa nepa Q-Mart sa Quezon City, tumaas

398

Quezon City – Tumaas ng P10 hanggang P30 ang presyo ng manok at isda sa nepa Q-Mart sa Quezon City.

Mula sa dating P140 kada kilo, nasa P150 na ngayon ang presyo ng bawat kilo ng manok.

Ang bangus naman na medium size ay P120 na ang kilo at P150 naman ang malalaki, na mas mataas kumpara sa P100 to P120 lamang dati ang kada kilo.


P60 hanggang P70 ang bawat kilo ng sibuyas, ang bawang ay P120 hanggang P150 ang bawat kilo at ang kamatis ay P40 ang bawat kilo.

Sa presyo naman ng gulay, ang patatas ay mabibili ng P60 bawat kilo, ang petchay P70, ang reployo naman ay P60 habang ang luya ay mabibili sa halagang P60 kada kilo.

Facebook Comments