Presyo ng manok sa Pasig Mega Market, nananatiling mataas

53

Nananatili pa din mataas ang presyo ng kada kilo ng manok sa Pasig Mega Market sa kabila ng mahigpit na monitoring na isinasagawa ng Department Of Trade And Industry.

 

Nabatid na nasa P150.00 ang kada kilo ng manok sa halip na P120. 00 kung saan sobra-sobra ang patong nito gayung nasa P62.00 hanggang  P70.00 lang ang farm gate price nito.


 

Maging ang presyo ng baboy na dating P195.00 ay nasa P220.00 ang kada kilo habang wala naman pinagbago sa halaga ng mga isda tulad ng tilapia na nasa P80.00 ang kilo, bangus nanasa P115.00 at galunggong na nasa P120.00 ang presyo kada kilo.

 

Sinasabing sobra-sobra ang suplay ng isda kaya’t walang dahilan para magtaas nito pero duda ang mga consumers na baka sumipa ang presyo nito pagsapit ng Semana Santa.

 

Bukod dito, Tumaas na din ang presyo ng gulay bunsod na din ng epekto ng mainit na panahon na nararanasan sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers