Presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi pa apektado sa kabila ng sunod-sunod na oil price hike ayon sa supermarkets association

86

Inihayag ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAG-ASA) na hindi sila agad pwedeng magpatupad ng taas presyo sa mga bilihin.

Ito ay sa kabila ng magkakasunod na linggo na nagkaroon ng malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PAG-ASA President Steven Cua na hindi pa naman ramdam ang epekto nito sa mga supermarket.

Kaugnay niyan, batid din aniya nilang mahina ang demand ngayon ng ilang mga produkto dahil sa COVID-19 pandemic.

Aniya, may posibilidad pa na mas maging matumal ang kanilang mga benta kung magpapatupad sila ng taas presyo.

Facebook Comments