Presyo ng mga produktong karne, posibleng tumaas pa

Posiblang tumaas pa ang presyo ng pork products sa gitna ng presensya ng African Swine Fever sa bansa.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, may ilang brands na ang humihiling ng price increase.

Ang problema naman aniya ay ang pagbaba ng supply ng pork products sa bansa dahil may ilang producer na ang nagbabawas ng kanilang output.


Tiniyak naman ng DTI na walang epekto sa tao ang ASF.

Sa huling datos ng Dept. of Agriculture, nasa 12,000 baboy na ang nagpositibo sa ASF sa Rizal, Bulacan, Pampanga at Quezon City.

Facebook Comments