Presyo ng mga produktong petrolyo, muling bababa bukas

37

Manila, Philippines – Muling magtatapyas bukas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ang Flying V at Pilipinas Shell Petroleum Corp. ay magbababa ng pitumpung sentimo kada litro sa presyo ng gasolina, sampung sentimo naman sa diesel at kinse sentimos sa kerosene.

Ito na ang ikatlong pagbawas sa presyo ng oil products sa loob ng buwang kasalukuyan.

Nakatakda namang mag anunsyo ng oil price rollback ang iba pang mga kumpanya ng langis.

Facebook Comments