Presyo ng Noche Buena products, ibabatay sa 2019 SRP – DTI

91

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na babalik sa 2019 prices ang Noche Buena items sa darating na Kapaskuhan.

Ito ay matapos tanggihan ng ahensya ang hiling ng ilang brands para sa price hike sa ilang Christmas food items.


Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakuha nila sa pakiusap ang mga kompaniya para hindi muna mag-taas ng presyo, habang ang iba na nagtaas na ngayong taon ay pinilit nilang mag-rollback.

Sa kabila nito, may ilan pa ring kompaniya ang humuhiling ng approval sa DTI para makapagtaas sila ng presyo sa kanilang produkto ng kahit one percent lang.

Facebook Comments