Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas

85

Pinangangambahang tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Unioil, inaasahang tataas ng 0.50 hanggang 0.60 sentimo ang kada litro ng diesel at gasolina.

Inaasahang maglalabas ng anunsyo ang mga oil companies ng pagbabago sa presyo bukas upang maipatupad sa darating na Martes.


Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng 1.60 piso kada litro na pagtaas sa presyo ng gasolina at 1.35 pisong pagtaas para naman sa kada litro ng diesel.

Dahil dito, umaabot na sa 17.30 piso kada litro ang itinaas ng gasolina at 14.40 piso kada litro ng diesel ngayong taon.

Facebook Comments