Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas simula bukas

79

Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas, Enero 18.

Magtataas ang ilang kompanya ng langis ng P0.90 sa kada litro ng gasolina habang P1.80 naman sa kada litro ng diesel, at P2.30 sa kerosene.

Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo epektibo mamayang alas-12:00 ng hatinggabi habang ang Shell, Seaoil, at Petro Gazz naman ay bukas ng alas-6:00 ng umaga at ang Cleanfuel ay alas-4:00 ng hapon.


Paliwanag ng mga oil firm, tumaas ang demand sa petrolyo kasunod ng pagkalat ng Omicron variant sa buong mundo.

Facebook Comments