PRESYO NG REPOLYO SA DAGUPAN CITY, MAY PAGTAAS

May pagtaas sa presyo ng ilang Highland vegetables sa mga pamilihan sa Dagupan City. Ayon sa ilang tindera ng gulay, tumaas ang kuha ng mga ito sa kanilang supplier sa repolyo. Kung dati ang sampung kilong kuha nila ay nasa 370-380 pesos ngayon nasa 480 na.

Dahil dito, 80 pesos ang karaniwang piraso ng Isang repolyo na mabibili sa palengke.

Ani ng ilang tindera ng gulay, bumaba ang suplay ng ilang highland vegetables dahil sa kakaunti ang naani dulot ng nararanasang malamig na klima sa Baguio City.

Samantala, nasa 25 pesos ang kalahating kilo ng cauliflower, baguio beans na nasa 20 pesos ang isang tumpok, ang carrots ay nasa 80 pesos ang kada kilo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments