PRESYO NG SCHOOL SUPPLIES SA DAGUPAN CITY, WALANG PAGGALAW

Walang paggalaw ang presyo ng mga school supplies sa Dagupan City isang linggo bago ang simula ng pasukan.
Nakadepende sa brand at kalidad ang presyo ng school supply tulad ng Envelope na nagsisimula sa 2 pesos hanggang 15 pesos ; pencil ruler set na mabibili sa halagang 29 pesos ; crayons na nasa 20 pesos pataas ; lapis na naglalaro ang presyo mula 9 pesos pataas; papel na nasa 7pesos hanggang P13 habang ang notebook naman ay nasa P14 pataas.
Dagsa pa rin ang mga mamimili sa mga department stores kasama ang kanilang anak upang makaiwas sa rush shopping at makapili na ng kagamitan.
Mahigpit din ang pagbabantay ng Department of Trade Industry sa mga pamilihan para matiyak na nasusunod ang itinakdang suggested retail price o SRP sa mga naturang produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments