Aasahang tataas ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan kung magtuloy tuloy pa ang pag-atake ng mga armyworms o harabas sa mga taniman nito sa Pangasinan.
Ayon sa ilang tindera, apektado ang produksyon dahil sa mga peste.
Kinumpirma rin ni Samahan ng Industriyang Agrikultura o SINAG President, Engr. Rosendo So na nalulugi ang mga magsasakang nakararanas ng naturang krisis kaya naman posible ang pagtaas sa presyo ng sibuyas.
Sa Dagupan City, ang pulang sibuyas, naglalaro sa P130 hanggang P140 habang ang puting sibuyas, nasa P120 ang kada kilo. Ang lasona, nasa P80 naman ang per kilo.
Samantala, nasa P70 ang farm gate price ng produkto, at ngayong harvest season na rin nito, aasahan ang suplay ng sibuyas sa merkado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments