Umaaray ang ilang mamimili sa Dagupan City dahil sa presyo ng sibuyas sa mga palengke.
Ang sibuyas sa mga pamilihan ng lungsod, naglalaro na sa P170 hanggang P180 kumpara sa dating P120 hanggang P130.
Ang ilang tindera naman mula sa ibang bayan ng Pangasinan wala na umanong panindang sibuyas dahil sa mataas na presyo.
Matatandaang pinayagan na ng Department of Agriculture ang panibagong pag-aangkat ng 3000 metrikong tonelada ng pula at 1000 MT naman sa puting sibuyas upang matiyak umano na may sapat na suplay ng produkto sa merkado.
Pinalagan naman ang naturang desisyon ng ilang mga onion farmers dahilan ang magiging pagkalugi na naman ng mga ito.
Samantala, nakatakda namang dumating ang mga inangkat na sibuyas na susunod na dalawang linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨