Price freeze sa kerosene sa Mindanao, tatagal hanggang June 7

Manila, Philippines – Tatagal hanggang sa June 7 ang price freeze sa presyo ng kerosene sa Mindanao

Sa harap ito ng umiiral na martial law sa rehiyon bunga ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Pinatutupad ang freeze sa presyo ng kerosene habang nagpapatuloy ang clearing operations ng tropa ng gobyerno sa Marawi City.


Layon nito na maprotektahan ang mga apektadong residente sa posibleng manipulasyon sa presyo ng naturang oil product.

Ang price freeze naman sa presyo ng LPG sa Mindanao ay epektibo bukas hanggang sa June 7.

DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments