Price guide sa mga school supplies, inilabas ng Department of Industry

Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Trade and Industry ang price guide para sa mga school supplies.

Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua, layon nitong gabayan ang mga mamimili sa pagsuri ng presyo ng iba’t ibang uri ng school supplies.

Aniya, karaniwan sa mga school items ay hindi itinaas ang presyo pero may ilang produktong tumaas ang presyo dahil nagmahal ang raw materials bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.


Makikita ang price guide sa mga tindahan at sa DTI website.

Maliban rito, paalala pa ni Pascua na suriin ring mabuti ang kalidad ng mga school supplies na kanilang bibilhin.

Huwag rin aniyang bumili ng mga produktong may ibang lenggwahe dahil malamang ay hindi ito rehistrado.

DZXL558

Facebook Comments