Sumailalim sa monitoring ng tanggapan ng Consumer Protection Division ng Department of Trade and Industry Ilocos Norte ang nasa pitumpu’t putong business establishment sa Bacarra at Pasuquin.
Isa-isang binisita ang mga negosyo tulad ng grocery/convenience stores, novelty shops, hardware at construction supplies, motor parts at repair shops, dry goods stores, at vape shops.
Ito ay bilang pagtitiyak na sumusunod ang mga ito sa mga patakaran at pamantayan na ipinatutupad ng DTI.
Tiniyak kung mayroon bang mga price tags, business names, service at repair shop accreditation, at product labels ang mga naturang establisyemento.
Pagtitiyak rin ito sa kaligtasan ng mga konsumer na dumaan sa standards at quality control ang lahat ng mga produktong kanilang binibili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣