PRICE WATCH | Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, ipatutupad na ngayong araw

Manila, Philippines – Nag-anunsiyo rin ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis.

Mayroong dagdag na P0.40 sa kada litro ng gasolina habang may P0.10 bawas presyo sa diesel.

Ipapatupad ito ng Phoenix Petroleum, Flyging V, PTT Philippines, Jetti Pump, Petron, Total at Caltex.


Magpapatupad naman ang Flying V, Caltex at Petron ng P0.45 rollback sa kada litro ng kerosene.

Magiging epektibo ang mga bagong presyo ng Caltex simula hatinggabi ng Martes habang alas-6 ng umaga magpapatupad ang Jetti Pump, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.

Facebook Comments