PRICE WATCH | Pagbaba ng presyo ng bigas, gulay at iba pang produktong agrikultural, ramdam na daw – DA

169

Manila, Philippines – Sinabi ngayon ng Department of Agriculture (DA) na ramdam na daw ang pagbaba ng presyo ng bigas, gulay at iba pang produktong agrikultural.

Ito ay sa harap ng patuloy na paninisi sa mataas na presyo ng bigas kaya at lumobo umano ang inflation sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi ang mataas na presyo ng bigas ang nagpataas sa inflation rate kundi ang mga ispekulasyong nag-ugat sa TRAIN Law.

Nasentro lamang ang pansin sa bigas dahil nawala sa merkado ang National Food Authority (NFA) rice nang ma-delay ang importasyon nito at ng private sector.

Tiniyak naman ni Piñol na bago matapos ang Oktubre, sisimulan na nila ang mga repormang ipatutupad sa industriya ng bigas.

Kabilang dito ang pagtanggal na sa mga mapanlilang na pangalan ng mga bigas at palitan ito ng regular o well milled at pangalan ng variety ng palay na pinagmulan ng bigas.

Lalagyan na rin nila ng karatula ang mga bigas kung imported o lokal ito.

Facebook Comments