PRICE WATCH | Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa – tumaas na

46

Manila, Philippines – Nagtaas na ang presyo ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Nagkakahalaga na ngayon ang rosas ng P680 kada bungkos na dati ay nasa P650 lang.

Ang assorted Malaysian mums na dating P100 kada tali ay mabibili na ng P140 kada anim na piraso.

Ang bungkos ng orchids na dating P100 ngayon ay nasa P200 na.

Habang ang sunflower ay mabilili sa halagang P170 na dating P120 kada piraso.

Ang flower arrangement naman ay nagkakahalaga ng P130 hanggang P250.

Asahan namang magtutuloy-tuloy ang pagmahal sa presyo ng mga bulaklak hanggang sa Undas.

Facebook Comments