PRICE WATCH | Presyo ng Noche Buena items, nananatiling mababa

Manila, Philippines – Nananatiling mababa ang presyo ng Noche Buena products sa merkado.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua, wala pa silang naitatalang pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena items maliban sa hamon.

Gayunman, posible aniya ang pagtaas ng presyo sa Noche Buena products kung magkakaroon ng higpitan sa supplies.


Una nang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng Noche Buena items hanggang sa matapos ang taon.

Facebook Comments