Prime Minister ng UK, nagbabala ng mas mahigpit na restriction kung hindi susunod ang publiko sa bagong health protocol kontra COVID-19

169

Nagbabala si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa mga kababayan nito na paiiralin nila ang mas mahigpit na restriction sakaling hindi sumunod sa inilabas nilang bagong health protocol laban sa COVID-19.

Ayon kay Johnson, ipapatupad niya ang mas mahigpit na restriction ng hanggang anim na buwan kung patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga health protocols na inilatag ng gobyerno sa UK ay ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapatupad ng work-from-home partikular sa bansang England, curfew sa mga pubs, restaurant at iba pang establisyimento hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ang sinumang lalabag sa kautusan ay papatawan ng multang 200 pound o katumbas ng higit P12,000.

Facebook Comments