Prince Khalifa ng Bahrain, isang tunay na kaibigan ayon kay Pangulong Duterte

334
Photo Courtesy: CTV News

Inalala ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bahrain Prime Minister Prince Khalifa bin Salman Al Khalifa na pumanaw sa edad na 84 ngayong linggo.

Sa statement, sinabi ng Office of the President (OP) na kaisa ang Pilipinas sa Kingdom of Bahrain at sa international community sa pagluluksa sa pagkamatay ng lider na matagal na nagsilbi sa kanilang bansa.


Ipinapaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang simpatya sa mga miyembro ng Royal Family at sa pamahalaan ng Bahrain.

Para kay Pangulong Duterte, isa sa tunay na kaibigan ng Pilipinas ang namayapang Prime Minister.

Sa halos limang dekada, pinangunahan ni Khalifa ang pagbabago at pag-ulad ng kanilang bayan.

Facebook Comments