Prince Philip ng Britanya, pumanaw sa edad 99

38

Kinumpirma ng Buckingham Palace na pumanaw na sa edad 99 ang asawa ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip.

Si Prince Philip, Duke of Edinburgh, ay tanyag na miyembro ng British Royal Family sa loob ng halos pitong dekada.


Nakilala si Prince Philip sa kanyang reputasyong matapang, walang paliguy-ligoy at likas na mapagbiro.

Si Prince Philip ay binawian ng buhay habang nasa Windsor Castle.

Kaisa ng Royal Family ang buong mundo na nagluluksa sa pagkawala ng Royal Highness.

Si Prince Philip ay ikinasal kay Queen Elizabeth noong 1947 at malaki ang kanyang papel sa pag-modernize ng monarkiya noong post-World War II period.



Facebook Comments