Private motor vehicle inspection centers, hindi muna maniningil ng mataas ngayong may pandemya

167

Nagpapasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa mga private operators ng Motor Vehicle Inspection System o MVIS at kay Transportation Secretary Art Tugade.

Bunga ito ng pagtugon sa panawagan na huwag munang dagdagan ang bigat na pinapasan ng ating mga kababayan habang hindi pa normal ang sitwasyon.


Ang mensahe ni Go ay makaraang ipaalam sa kanya ni Tugade na sa halip sumingil ng mataas ay magpapatupad ng special pandemic rate ang Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVIC.

Lumabas sa pagdinig ng Senado na umaabot sa 1,800 pesos ang singil ng PMVIC sa mga sasakyan na 4,500 kilograms o mas mababa, habang 600 pesos naman sa tricycle at motorsiklo.

Ang nabanggit na presyo ay mataas kumpara sa dating 500 pesos na smoke emission test ng Land Transportation Office.

 

Facebook Comments