PRO ARMM nakaalerto kasabay ng pag-oobserba ng undas

24

Mas pinaigting pa ngayon ng PNP ARMM ang kanilang kampanya kontra terorismo, at anu mang uri ng kriminalidad kasabay ng palapit na pag oobserba ng Undas.
Kaugnay nito sinisiguro ngayon ng PRO ARMM katuwang ang military ang magiging kaligtasan ng publiko ngayong obserbasyon ng All Saints at All Souls Day ayon pa kay PRO ARMM Director Graciano Mijares,.
Maglalagay aniya ang mga ito ng mga kapulisan, mapa foot patrol man o mobile patrol sa lahat ng sulok na maaring pagkukumpulan ng publiko, lalo na ang terminal at sementeryo.
Patuloy naman ang paghimok ng mga kapulisan na makiisa sa kanilang kampanya para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments